Hinilig ni Senator Pia Cayetano na rebisahin ang batas na naglalayong bigyan ng buwanang P500 ang mga senior citizen sa bansa.

Ayon kay Cayetano, malinaw ang nakasaad sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 o Republic Act No. 9994 na bigyang ayuda ang matatandang nasa edad 60 pataas.

Nagpalabas kasi ng isang kautusan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na prayoridad nilang tulungan ang mga may edad na 80 pataas, ikalawang prayoridad ang 70 hanggang 79 at huli naman ang may edad na 60-69.

“The law does not distinguish nor provide a classification by age of indigent senior citizens. This is a clear deviation from RA 9994. The DSWD rules should not distinguish where the law does not,” diin ni Cayetano.
Probinsya

Bulkang Mayon, nananatili sa Alert Level 3; pagpasok sa 6-km danger zone, bawal pa rin