CHICAGO (AP) – Magbubunsod ba ng pagtaba ang maaksiyong mga palabas sa telebisyon? Ito ang implikasyon na natuklasan sa isang bagong pag-aaral, na napaparami ang kain ng mga nanonood ng fast-paced television shows kumpara sa mga nakatutok sa talk shows.

Pinanood ng mga researcher ng Cornell University ang halos 100 undergraduate ng isa sa tatlong 20-minutong session na nagtatampok sa The Island, ang 2005 sci-fi thriller na pinagbibidahan nina Scarlett Johansson at Ewan McGregor; ang kaparehong pelikula pero naka-mute; o ang Charlie Rose, isang public television interview program. Habang nanonood, tinambakan ang mga estudyante ng napakaraming cookies, M&M candies, carrots at grapes.

Sa panonood sa The Island, kumain ang mga estudyante ng average na seven ounces (207 grams) ng iba’t ibang snack foods, at 354 calories. Ito ay 140 calories na mas mataas at halos doble ng nakain ng mga nanood sa panayam ni Charlie Rose. Samantala, ang mga nanood sa naka-mute na The Island ay kumain ng halos 100 calories na mas marami kumpara sa nanood ng Charlie Rose.

ANG TEORYA: Ang panonood sa TV shows na maaksiyon o mabibilis ang pagpapalit ng mga eksena ay mas nakadi-distract sa manonood at nauuwi sa mindlessness eating, ayon sa Cornell researcher na si Aner Tal, na nanguna sa pag-aaral. Ayon sa resulta, ang tuluy-tuloy na diet ng action TV ay maaaring magpataas ng panganib sa pagtaba.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

LIMITASYON: Maliit lang ang pag-aaral at hindi nasukat ang pangmatagalang epekto ng panonood ng maaaksiyon TV show sa timbang ng mga estudyante. Posible ring mas distracting ang mga talk show at iba pang slower-paced TV show para sa ilang manonood.

ANG BOTTOM LINE: Iminungkahi ni Tal na mismong ang mga manonood ang gumawa ng paraan upang maiwasan ang mindless snacking, sa pamamagitan ng pag-iwas o paglimita sa pagkain ng high-calorie snacks kapag nakatutok sa telebisyon.