Hindi lamang boluntaryong miyembro ng pamilya ang dadalo sa isinasagawang family oriented, community health at fitness program na PSC Laro’t-Saya, PLAY N LEARN program kundi ang maging kapulisan at klase sa Physical Education.
Ito ang sinabi ni PSC Research and Planning chief Dr. Lauro Domingo Jr. matapos ang paglulunsad ng programa na inendorso ng Malakanyang sa Iloilo City noong Sabado kung saan iniatas mismo ng Mayor at Vice-Mayor ang partisipasyon ng kanilang mga pulis at pagsalo ng klase ng kabataan sa aktibidad.
“The good mayor and vice-mayor of Iloilo City has ordered that all their police officer must joined the PSC Laro’t-Saya in the weekly activity especially in the aerobics-zumba which is a good calisthenics. They said they will issue a memo para makasali ang kanilang kapulisan sa pag-eehersisyo,” sinabi ni Domingo Jr.
Idinagdag naman ni PSC Area Coordinator Alona Quinto na hiniling din ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog at Vice-mayor Atty. Joe Espinosa III na isali sa programa na nakatuon sa family bonding, physical fitness at health consciousness ang klase ng mga kabataan bilang bahagi sa kanilang Physical Education.
Mahigit na 200 miyembro ng kapulisan sa Iloilo City ang nagpartisipa sa isinagawang 10 sports na itinuturo sa PSC Laro’t-Saya habang umabot sa mahigit na 700 katao ang sumali sa aerobics-zumba, 3-on-3 basketball, boxing, arnis, badminton, football, volleyball, karatedo at taekwondo.
Samantala, umabot din sa mahigit na 700 katao ang nagpartisipa sa Bacolod City, Davao City at sa Cebu City na dalawang beses na isinasagawa ang programa.
Kabuuang 539 katao ang sumabak sa Burnham Green sa Luneta Park partikular sa aerobics (372), badminton (31), karatedo (7), arnis (21), football (49), chess (43) at volleyball (16).
Inaasahan din ang pagsasalo ng PE class sa Kawit, Cavite na nagsagawa rin ng aerobics (173), badminton (14), taekwondo (13) at volleyball (32) para sa 232 kataong sumali sa Aguinaldo Freedom Park.