Ni SAMUEL P. MEDENILLA

Nanawagan ang Kilusang Mayo Uno (KMU) kay Pangulong Aquino na ipaliwanag kung saan napunta ang bilyong pisong halaga na inilaan sa flood control system sa Metro Manila sa kabila ng matinding pagbaha sa lugar kahit konting ulan lang.

Sa isang kalatas, hinamon ni KMU Chairman Elmer Labog si Aquino na idetalye kung paano ginastos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P4.96 bilyon na inilaan sa proyekto mula sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

“We refuse to accept the frequent floodings as natural, as something we simply have to live with everyday. We demand an explanation and solutions from the president. Mr. Aquino, please explain: why is there so much flooding in your so-called daang matuwid?” tanong ni Labog.

Ito ang pahayag ng KMU matapos makaranas ng matinding pagbaha ang maraming lugar sa Metro Manila tulad ng Espana Blvd., Taft Avenue at Quezon Avenue noong Martes kung saan maraming pasahero ang na-stranded at nagkabuhol-buhol ang daloy ng mga sasakyan.

Ayon sa KMU, bahagi ng pondo na dapat na inilaan sa dredging ng Pasig River, ay ilegal na kinumpiska umano ng mga “maimpluwensiyang pulitiko.”

Kung mapapatunayang sangkot sa iregularidad, sinabi ni Labog na dapat na agad na maparusahan ang nangulimbat sa pondo para sa proyekto sa flood contro system.