JM-De-Guzman-MMK-550x366

TIYAK na marami ang mag-aabang sa bago at kakaibang tambalan na binuo ng ABS-CBN para sa Maalaala Mo Kaya bukas tampok si JM de Guzman bilang binata na gumawa ng paraan upang makaiwas sa binabaeng may gusto sa kanya sa tulong ni Rachel na pumayag na magpanggap bilang kasintahan niya.

Gagampanan ni Nadine Samonte ang papel ni Rachel.

Mauwi kaya sa seryosohang relasyon ang pagkukunwari nila?

National

‘Para pak na pak!’ Impeachment complaint vs VP Sara, next year na dapat tanggapin – Gadon

May kilig kaya silang maibigay sa televiewers?

Matatandaan na sa ABS-CBN nagkaroon ng unang panandaliang showbiz appearance si Nadine bago sumali sa Starstruck artista search ng GMA -7 at tuluyang nakilala ng publiko sa Kapuso Network.

Katatapos ng kontrata niya sa TV5, at ngayon lang siya mapapanood sa Kapamilya Network. 

Makakasama nina JM at Nadine sa MMK bukas sina Neil Coleta, Karen Reyes, Almira Muhlach, Paco Evangelista, Elaine Quemel, Kim Molina, Dawn Jimenez, at Aina Solano, mula sa script nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio at sa direksyon ni Nuel Naval.