Masusing iniimbestigahan ngayon ng Bacolod City Police ang insidente ng pagdakip sa isang Grade 1 pupil na nahulihan ng pitong pakete ng shabu.

Ayon sa pulisya, nalaglag ang mga ito mula sa pagkakaipit na libro at nang pulutin ito ng kamag-aral ay ibinigay sa kanilang guro.

Kasalakuyang hawak ng Women and Children’s Protection Desk ang estudyante na napag-alaman na nakatira sa Purok Cagaygay, Barangay Dos, Bacolod City.

Samantala, inamin naman ng ina ng bata na nakaligtaan niyang tanggalin sa libro ang mga shabu kaya nadala sa paaralan. - Beth Camia

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!