Nakalulungkot isipin na ang pagdagsa ng mga turista – kapwa lokal at banyaga – sa Albay upang personal na masaksihan ang panorama ng bulkang Mayon na bumubuga ng usok at apoy, ay kinikilala na ngayong Disaster Tourism.
Nakumpirma ng mga vulcanologist na mataas ang posibilidad ng Vulcanian-Strombollian eruption ng Mayon kung kaya umaakit ito ng libu-libong turista sa Albay. Gaya ng malawak na inuulat ng media, mahirap na ngayon ang makakuha ng reservation sa mga hotel sa mga lungsod at bayan sa naturang probinsiya. Inaamin ni Albay Gov. Joey Salceda na ang pag-aalburoto ng Mayon ay maaaring pinakamalaking touristic event sa Pilipinas ngayong taon. Tumatabo ito ng kita para sa ekonomiya ng probinsiya na nakatutulong mairaos ang malaking halagang kailangan para sa pananatili ng mga evecuation center para sa mahigit 55,000 Albayano.
Ipinaliwanag ni Salceda na maaaring magdulot ng mga problema ang mga turista sa kanilang operasyon “but there’s no way to stop them from watching the world’s most perfect cone volcano blow its top, which could be a once-in-a lifetime opportunity”. Bilang paghahanda, ipinagbawal ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga aktibidad na malapit sa bulkan kabilang ang popular na ATV (all-terrain vehicle) tours, trekking, playing golf sa Doña Pepita Golf Course.
Samantala, ang mga turistang makikilahok sa disaster tourism flow ng Mayon ay tiyak na masisiyahan sa pagmamasid ng bulkan mula sa malayong Ligñon Hill, Cagsawa Ruins Park, Daraga Church, Legazpi City Boulevard, Taysan Hills at Quituinan Hills where kung saan mapapanood nila ang pagdausdos ng lava at pyroclastic materials sa gilid ng Mayon lalo na sa gabi.
Dahil sa epektibong disaster management, natamo ng Albay ang maraming pakinabang, lalo na para sa kapakanan ng mga evacuees sa larangan ng kalusugan, edukasyon at seguridad na naiulat na umangat kumpara noon sila ay nasa mga danger zone.