Ni ELLALYN B. DE VERA AT GENALYN D. KABILING

Bumaba ang performance rating ng administrasyong Aquino bunsod ng pagkabigo nitong ipagkakaloob ng dagdag-sahod sa mga kawani ng gobyerno at iba pang kritikal na isyu na nakaapekto sa sambayanan, ayon sa Pulse Asia survey noong Hunyo hanggang Setyembre.

Base sa nationwide survey noong Setyembre 8 hanggang 15, lumitaw na bumagsak ng walong puntos ang approval rating ng Aquino administration sa isyu ng pagbibigay ng karagdagang suweldo sa mga empleyado – 36 porsiyento noong Hunyo sa 28 porsiyento sa kasalukuyan.

Tatlumput anim na porsiyento ng 1,200 respondent ang nagsabing hindi sila pabor sa pagbibigay ng umento sa sahod ng kasalukuyang administrasyon sa mga manggagawa mula sa 30 porsiyento noong nakaraang Hunyo. Samantala, 36 porsiyento ang “undecided” mula sa 34 porsiyento noong Hunyo.

Courtesy resignation sa gabinete ni PBBM, pinuna ni ex-Bayan Muna Rep. Zarate

Samantala, sinabi ng Malacañang na malaking bagay ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa pagbibigay umento hindi ng gobyerno ng dagdag sahod sa mga kawani nito, ngunit maging sa mga empleyado ng pribadong sektor.

“Doon sa private sector, ang umiiral naman diyan ay market forces,” paliwanag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr.

Nananatiling mataas pa rin ang approval rating ng Aquino administration sa aspeto ng pagsugpo ng kriminalidad sa resulta ng third quarter survey ng Pulse Asia na umabot sa 53 porsiyento, kung saan 25 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabing ito ay kabilang sa prioridad ng gobyerno.

“Nonetheless, appreciation is the plurality sentiment toward the administration’s initiatives to defend the country’s territorial integrity against foreigners (48 percent), promote peace (46 percent), enforce the rule of law (43 percent), and fight corruption in government (43 percent),” ayon pa sa survey.