CAMILING, Tarlac— Arestado ang tatlong babae matapos mabisto ng mga awtoridad ang kanilang panloloko gamit ang mga pekeng pera sa isang pamilihan dito.
Ayon kay PO2 Arnel Agliam, may hawak ng kaso, ang mga inaresto ay sina Jane Ali, 31; Norma Brahim, 35; at Jamilah Pananggulo, 28, lahat ay residente ng Upper Bicutan, Taguig, Manila.
Napag-alaman na nagtungo ang tatlo sa palengke at bumili ng mga kalakal gamit ang mga pekeng pera. Kaagad na sumugod sa pulisya ang may-ari ng tindahan na si Marina Dumlao matapos madiskubre ang panloloko.