Tinawanan lamang ni trainer Nonito Donaire Sr. ang banta ng makakaharap ng kanyang anak na si Nonito Donaire Jr. na patutulugin ito sa 5th o 6th round ng hahamong si Nicholas Walters ng Jamaica sa Oktubre 18 sa Stubhub Center sa Carson, California sa United States.

Sa unang depensa ni Donaire Jr. ng WBA featherweight title kay Walters, iginiit ni Donaire Sr. na maganda ang magiging laban kung magiging agresibo ang Jamaican.

“That’s good (if he attacks) it will be easier for Junjun (Donaire Jr.) to find an opening,” sabi ni Nonito Sr. sa GMA News. “Junjun did very well in sparring against Stan Martyniouk who is bigger and taller than him.”

Idinagdag ng nakatatandang Donaire na mayroon nang estratehiya ang “The Filipino Flash” kung paano tatalunin si Walters.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“If Junjun can execute our strategy then we’ll have no problem,” ayon kay Nonito Sr. na ipinahiwatig na tatakbo si Walters kapag natikman ang mga suntok ng kanyang anak. “When he feels the power of Nonito’s punches he might run.”

Idinagdag ni Donaire Sr. na hindi tulad ng laban kay multiple world champion Vic Darchinyan ng Armenia, walang iniindang anumang pinsala sa katawan ang kanyang anak at naka-adjust na ito sa featherweight division.

“Junjun has no problems with his stamina. He’s like normal,” dagdag ng nakatatandang Donaire. “Junjun is in shape and unlike the last Vic Darchinyan fight he has no injuries at all. He is ready for anything Walters brings.”

Naunang nagyabang si Walters na may perpektong rekord na 24 panalo, 20 sa knockouts, na patutulugin niya sa unang pagkakataon ang Pilipino sa apat o limang rounds.

“Donaire is going to realize from round one that he is in the wrong division fighting the wrong guy. Come October 18th, Christmas is coming early for me: I’m knocking out Donaire in round five or six,” pagyayabang ni Walters sa Fightnews.com sabay pagmamalaking mas malaki at mas bata siya sa Pinoy boxer.