Hiniling ni Senator Juan Ponce Enrile sa Korte Suprema na ibasura ang suspension order sa kanya ng Sandiganbayan bilang miyembro ng Senado kaugnay ng mga kasong graft at plunder na kanyang kinahaharap bunsod ng pork barrel fund scam.

Kinuwestiyon ni Enrile ang mga resolusyon ng Sandiganbayan Third Division noong Hulyo 24 at Agosto 22 na nagsususpinde sa kanyang kapasidad bilang miyembro ng Mataas na Kapulungan.

Sinabi ni Enrile na nagsisilbing hadlang ang suspension order sa kanyang tungkulin bilang mambabatas at apektado nito ang mga mamamayang bumoto sa kanya.

Iginiit pa ng senador na hindi pa nadedesisyunan ang kanyang kaso kaya maaari pa rin niyang matamasa ang kanyang political at civil rights.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“As the most senior member of the Senate, and, perhaps the entire Congress, who is also its minority leader, and therefore, is an ex-officio member of all permanent committees of the Senate, he should be entitled to fully discharge the functions of his office, and to dispense his congressional duties, not so much for his personal interest, but more so to ensure that those who voted him into office will be heard and have a voice in this government,” pahayag ng kampo ni Enrile. - Rey G. Panaligan