Asahan na ang pag-arangkada ng libu-libong mananakbo sa paghataw ng Rexona Run To Your Beat 2014 sa Oktubre 26.

Muling masusubukan ang kakayahan ng mga runner music powered run na Rexona Run To Your Beat 2014.

“We are always finding ways to make the Rexona Run more exciting than the last. This year, we wanted to take the Do More philosophy into higher gear with stimulating visuals to match music from different genres, as interpreted by some of Manila’s top DJs,” sinabi ni Mar Corazo, Rexona brand manager

Sa taon na ito, pinili ng Rexona na makipagsanib-pwersa sa Republiq group at top DJs sa Pilipinas upang mas lalo pang pag-initin ang kanilang pagtakbo na may live music. Makakahalubilo ng runners to sa finish line sina DJs Ace Ramos, Mars Miranda, Deuce Manila, Martin Pulgar, Euric, Motherbasss, at MC Pao.

National

Sen. Go, ibinahagi pakikipagkita nila ni Ex-Pres. Duterte kay INC leader Manalo

Upang lalo pang maging kapanapanabik, ipakikilala ng Rexona ang tatlong bagong tunnels na may varying themes na siyang bubuhay sa musika. Ang key points sa naturang race, maiiksperiyensa ng runners ang Retro, HipHop at EDM themed tunnels na may kakaibang features, mula sa roller bladders hanggang disco balls at street art tungo sa laser light.

Ang 5K at 10k runners ay lalarga sa dalawang tunnels, habang ang 21k runners ay maiiksperiyensa ang tatlong tunnels.

Magsisimula ang takbuhan sa 5k sa ganap na alas-3:45 ng madaling araw, ang 10k sa ganap na alas-3:30 at 21k sa ganap na alas-3:00 ng madaling araw. Mangyaring magparehistro ang runners sa online sa www.runrio.com/rexonarun na nagsimula kahapon at magtatapos sa Oktubre 12. Ang in-store registration ay sa Toby’s MOA, RUNNR Store or Move sa Bonifacio High Street, Toby’s SM North EDSA, The Block and Toby’s Robinsons Galleria sa Biyernes hanggang Oktubre 19.

Upang makapagprepara ang individuals para sa pinakahihintay na takbuhan, magsasagawa ang Rexona ng running clinics sa Oktubre 16-23. Pangungunahan ni coach Rio, sa pakikipagtulungan ng 360 Club Fitness, ang clinics ay gaganapin tuwing Martes at Huwebes sa ganap na alas-6:00-9:00 ng gabi sa Fort. Ang clinic ay bukas sa mga interesadong individuals, ngunit ang prayoridad ay ipagkakaloob sa mga runner na nakapagparehistro na sa Rexona Run 2014. Sign up for the Ang Rexona Run running clinics ay nasa Training Camp tab na sa Rexona Facebook page.