Magtutungo si Pangulong Aquino ngayong Huwebes sa Bali, Indonesia upang dumalo sa pagpupulong ng iba’t ibang lider ng bansa sa pagtataguyod ng demokrasya sa Asia-Pacific region.

Dadaluhan ng Pangulo ang ikapitong Bali Demoracy Forum bukas na may temang: “Regional Development in the Democratic Architecture: Dynamics of Political Development, Social-Economic Progress and Public Participation in the Democratic Process.”

Tatayong chairman sa democracy forum si PNoy at Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono. Kabilang sa mga dadalo sa okasyon ay sina Timor Leste Prime Minister Xanana Gusmao at Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei.

Sinimulan ni Yudhoyono noong 2008, layunin ng pagpupulong ang pagpapalitan ng kuro-kuro at karanasan sa pagtataguyod ng demokrasyo sa Asia-Pacific region.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Sa kanyang dalawang araw na pagbisita sa Indonesia, inaasahang pararangalan si Pangulong Aquino ng “Bintang Republik Indonesia Adipurna” o Star of the Republic of Indonesia, ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Indonesia sa isang indibidwal na may mataas na integridad at nagpamalas ng kadakilaan. - Genalyn D. Kabiling