Ang maisakatuparan ang munting pangarap na makapaglaro ng basketball sa tanyag na PBA ang nais lamang na mangyari ng Philippine boxing icon na si Manny Pacquiao.

Ito nakikita ng mga namumuno sa liga sa hinahangad ni Pacquiao, ang Saranggani Congressman at eight division world boxing champion, sa paglalaro nito para sa expansion team Kia Motors sa PBA.

"Manny is just fulfilling his dream of playing basketball, Bata pa lang daw talaga kasi gus tong gusto na niyang maglaro ng basketball," ani PBA Commissioner Chito Salud.

" And he is a very smart, he knows what his priorities, he knows what he's doing and he will not put himself and the league in distress," dagdag pa ni Salud.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

At tungkol naman sa magiging hatak ni Pacquiao bilang isang tanyag na personalidad sa PBA fans, sinabi ni KIA Motors alternate governor Ginia Domingo na hindi naman nila inaasahan at maging ni Pacquiao na masasapawan nito ang katanyagan at popularidad ng mga kilalang team sa liga, partikular ang Barangay Ginebra.

"I don'tthink it can happen. 'Yung pagpasok naman ni Manny Pacquiao sa PBA, it's a big boost for barndinga and advertisement," ani Domingo. "Gaya ng marami, passion niya' yung basketball. Manny wil be more of an inspiration and we do not get him for the intention of winning."

Sinang-ayunan naman ito ni Ginebra board representative Alfrancis Chua na nagsabing dapat lalo pang hangaan si Pacquiao sa ginawa nito dahil malaki ang maitutulong niya para sa liga.

"Only Manny Pacquiao can do that and we should be very proud of him and support him for that," ayon kay Chua na hindi naman lingid sa lahat ay isa ring boxing aficionado.