Aabot sa P3 milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 6 na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang tinaguriang mga “shabu queen” sa Iloilo City, iniulat kahapon.

Base sa report, kinilala ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, ang dalawa ay nakilalang sina Anna Rosel Parreño, residente ng Antique; at Analyn Cabrobias, ng Lemery, Iloilo.

Napag-alaman sa report ni PDEA Region 6 Director Paul Ledesma, nasamsam sa dalawang shabu dealer ang 525 gramo ng shabu na may street value na P3.1 milyon .

Lumitaw sa imbestigasyon ng PDEA, nagmula sa Muntinlupa ang supply ng shabu ng mga suspek na ibinabiyahe sa pamamagitan ng roll-on, roll-off vessel patungong Iloilo City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nabatid pa sa mga operatiba ng PDEA Region 6, mahigit isang buwan nilang sinubaybayan ang dalawang shabu queen hanggang sa nahuli kamakalawa ganap na 10:00 ng gabi.

Sina Parreno at Cabrobias ay dating nagtatrabaho bilang mga guest relation officer (GRO) sa isang night club sa Muntinlupa City.