Nag-alok kahapon ang provincial government ng P100,000 pabuya para sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon upang maaresto ang tatlong suspek na pumatay sa dalawang Swiss sa Yasay Beach Resort sa bayan ng Opol, Misamis Oriental.

Inihayag ni Misamis Oriental Governor Yevgeny Vincente “Bambi” Emano na naglaan siya ng pabuya sa sino man makapagtuturo sa suspek.

Bibiyan pa ng seguridad ang testigo at mismong si SITG chief provincial police director Senior Supt. Leonilo Cabug ang inatasan niyang hahawak sa taong magsisilbing testigo laban sa mga suspek.

Sinabi ni Emano na umaabot na rin sa dalawang personalidad ang hawak ng Special Investigation Task Group (SITG) na maaaring makapagbigay linaw sa pagpatay sa mga biktimang sina Robert Erich Lober at Baltazar Johann Erni na pinatay sa saksak.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Unang narekober ng SITG ang puting taxi na may plate number KVX-396 na ginawang getaway vehicle ng mga suspek.

Anggulong love triangle at bangayan sa pera ang ilan sa mga tinutukan ng pulisya na maaaring dahilan sa pagpaslang sa dalawang turistang Swiss habang namamasyal sa nabanggit na beach noong Oktubre 5.