Hiniling ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa Sandiganbayan na pahintulutan itong makabiyahe sa Japan at Hong Kong.

Sa kanyang inihaing motion to travel, ipinaalam ng mga abogado ni Arroyo sa Sandiganbayan Fifth Division na plano nitong bumiyahe sa dalawang bansa sa Oktubre 25 at babalik sa Pilipinas sa Nobyembre 2.

Pansamantalang maninirahan si Arroyo sa Imperial Hotel Tokyo Chyoda-ku sa Oktubre 25 hanggang 30 at sa Marco Polo Gateway Hotel sa Hong Kong mula Oktubre 30 hanggang sa kanyang pagbalik sa Pilipinas sa Nobyembre 2.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft sa Fifth Division bunsod umano ng overpricing ng secondhand helicopters na ibinenta sa Philippine National Police (PNP) bilang “brand new” units sa halagang P104 milyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukod dito, kinasuhan din si Arroyo ng graft sa Sandiganbayan Fourth Division sa naudlot na $329 million National Broadband Network deal.

“This Honorable Court as well as other courts have graciously permitted him to travel before, and he has always returned here as it is here where his family and business interests are,” ayon sa abogado ni Arroyo.