SEOUL (Reuters)— Humingi ng patawad ang kapitan ng South Korean ferry na lumubog noong Abril at ikinamatay ng halos 300 katao, karamihan ay mga batang mag-aaral, sa korte noong Miyerkules sa kabiguan nitong masagip ang mga pasahero sa pinakamalalang aksidente ng bansa sa loob ng maraming dekada.

“I have committed a grave crime. I am sorry,” sabi ni Lee Joon-seok, 68- anyos na kapitan, iniulat ng Yonhap News Agency.

Ang overloaded ferry na Sewol ay tumaob habang patawid sa isla ng Jeju.

Si Lee ay kabilang sa 15 kasapi ng crew na inakusahan ng pag-aabandona sa lumulubog na barko.
Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026