Ang kakulangan sa epektibong drainage system ang pangunahing dahilan sa madalas na pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Masisisi ang pagbaha sa under capacity ng mga drainage system at maling pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig,” pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa Bulung Pulungan sa Pasay City.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Tolentino na may 109 na proyektong imprastruktura sa Metro Manila na nagiging sanhi ng baha at pagsisikip ng trapiko tuwing malakas ang ulan.

Aniya, inaasahang matatapos ang mga ito sa susunod na taon.

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>

Ipinaliwanag ni Tolentino na idinisenyo ang mga drainage project upang maibsan ang problema sa baha subalit karamihan sa mga ito ay hindi pa gumagana.

“Because drainages are disengaged and still under repair, floodwaters overflow streets,” dagdag ng MMDA chief.

Tiniyak naman ni Tolentino na ipinoposisyon niya ang mga flood control team na may mobile pump at dewatering o vacuum truck sa mga kritikal na lugar tuwing umuulan.

Kabilang sa mga flood-prone area na binabantayan ng MMDA ang EDSA, mula Taft hanggang Monumento; España-Antipolo- Maceda at P. Burgos-Manila City Hall, at R. Papa-Rizal Avenue sa Manila; Don Bosco at Osmeña- Skyway northbound at southbound, Makati; Buendia-South Superhighway southbound at northbound; C-5- Bagong Ilog sa Pasig City; West Service Road, Merville, Parañaque City; East Service Road, Sales Street; Katipunan Avenue , North Avenue sa harap ng Trinoma, Quezon Avenue, Victory Avenue/Biak na Bato, NLEX Balintawak - Cloverleaf sa Quezon City; Buendia extension-Macapagal Avenue - World Trade Center sa Pasay City, EDSA - Camp Aguinaldo Gate 3; EDSA Megamall; EDSA Pasong Tamo/Magallanes Tunnel; C-5-BCDA, Taguig City; at C-5/Bayani Road intersection.- Anna Liza Villas-Alavaren