IZA Calzado

NANGAKO noon si Iza Calzado sa kanyang Twitter followers na kapag nakaluwag sa kanyang schedule ay magkakaroon siya ng Twitter party para sa mga tagahanga.

Gamit ang hastag na #quIZA, tinupad ng Hawak Kamay actress ang pangako sa kanyang mahigit isang milyong followers nitong nakaraang Monday night.

“Decided to finally do this Twitter party I promised you guys a long long time ago. Gimme 20mins and we can start #QuIZA,” banggit ng Golden Screen Dekada awardee sa kanyang Twitter followers.

National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

Iza is going steady with her non-showbiz boyfriend at British businessman, Ben Wintle. Tatlong taon na ang kanilang relasyon and it’s going strong everyday.

Sa tanong ng isang follower kung posible siyang ma-in love sa kanyang Hawak Kamay leading man na si Piolo Pascual kung sakaling wala siyang boyfriend ngayon, isang hindi namin ma-identify na emoticon lang ang isinagot ng aktres. Ibig sabihin lang nito ay loyal siya sa kanyang boyfriend.

Sa tanong kung kailan siya mag-aasawa at kung ano ang kanyang ideal age for marriage, ang sagot ng aktres, “33 or 34.” Nangangahulugan na malapit-lapit na rin ito, isa o dalawang taon pa simula ngayon. Iza just turned 32 last August 12.

Hindi maipagkakailang de-kalibreng aktres ang dalaga ng namayapang si Lito Calzado. @neets_craze asked: Who’s your favorite Hollywood actress and why? Reply ni Iza, “Meryll Streep

& Cate Blanchett.”

O, hindi ba’t may taste ang dati naming alaga sa pagpili ng iidolohing foreign actresses? Sa mga artistang lalaki, winika ni Iza, “Sina Robin Williams at Robert de Niro.”

At ang pinakagusto niyang projects na nagawa niya sa loob ng halos sampung taon niya sa entertainment industry, “Encantadia (aired over GMA) at ABS-CBN’s Biggest Loser for it’s inspiring aspect.”

Sa rami ng gustong mag-participate sa kanyang #quIZA, isa ito sa mga pinakagusto naming tanong, mula kay @glessmae: “How do you deal with sadness or being blue?” Iza’s answer, “I cry and then I believe that good things are coming.”

Christmas is coming. Mula kay @imronelcollen, “Ano ang gusto mong ma-receive this Christmas?” Iza replied, “Great health and more success in love and life in lovelife.”

In the end, nagpasalamat si Iza sa mainit na partisipasyon ng kanyang followers sa kanyang Twitter Q&A.

“Overwhelmed by your tweets! In as much as I would like to go on, have to sleep for tmrw’s taping. Had so much fun, next time ulit #QuIZA.”