Pagpupugay, pagpapasalamat at responsibilidad.

Ito ang tatlong tema sa pagdiriwang ng ika-40 taon ng Philippine Baksetball Association (PBA) kung saan ay magbubukas ang liga sa darating na Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sinabi ni PBA Commissioner Atty. Chito Salud na kanila pang sisikaping maisakatuparan na maging kaakitakit ang kabuuan ng pagdiriwang at pagdaraos ng kanilang ika-40 taon sa liga.

"Pagpupugay sa founding fathers ng PBA who made the league where it is right now," bungad ni Salud sa isinagawang press launching ng PBA 40th Season noong nakaraang Martes ng hapon sa Edsa Shangrila Plaza sa Mandaluyong City.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

"Pasasalamat that we are celebrating our 40th year and still surviving the face of stiff competition," dagdag nito na pinatungkulan ang walang sawang pagtangkilik ng publiko at ng kanilang fans na siyang bibigyan aniya nila ng mas kaukulang pagpapahalaga.

"Resposibility to all those who helped us bring the league where we are today, to responsibly and proudly carry the torch that has been passed to us that makes this league, the "people's league" very special," dagdag pa ng PBA chief.

Kaugnay nito, sa kanilang pagbubukas sa darating na Linggo, umaasa ang PBA sa ilalim ng pamumuno ng bago nitong chairman na si Patrick Gregorio na lalo pang tatangkilikin ang liga ng basketball fans at magawa nilang punuin ang 55,000 capacity ng Philippine Arena.

At bilang panimula ng kanilang pasasalamat sa PBA fans, maghahanda ang bagong miyembro na KIA Motors ng mga bus na magsisilbing shuttle services ng mga gus tong manood na galing pa sa mga malalayong lugar patungong Philippine Arena at iba't ibang lugar o point of origin sa Metro Manila.

Ayon kay Kia Motors alternate governor Ginia Domingo, agad din nilang ipaaalam kung ilang mga bus at kung saan-saan ang magiging pickup point para sa basketball fans na nais na manood sa ititunuturing na pinakamalaking domed-arena sa buong mundo.

Hindi naman nagpahuli si NLEX President Rodrigo Franco at board representative Ramoncito Fernandez na nangakong gaga win nila ang lahat at makikipag-ugnayan sa mga kinauukulan at mga awtoridad para sa mas maayos na daloy ng trapiko patungo sa venue na matatagpuan sa kahabaan ng NLEX.

Samantala, sinabi ni PBA Media Bureau chief Willie Marcial na sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo nila ang set-up kung paano ang fans, lalo na ang mga galing sa south, ay makapapanood ng opening ng PBA 40th season sa pamamagitan ng mga nasabing shuttle buses.