Oktubre 9, 1446 ipinakilala ni King Sejong the Great ng Korea ang Hangeul Alphabet sa kanyang mga kababayan. Ito ay matapos irekomenda ng kanyang mga tagapayo na bumuo ng mas maayos na sistema sa pagsusulat dahil hindi naging epektibo sa kanila ang alpabetong Chinese.

Ang Hangeul ay nangangahulugang “great letters” sa Korean. Ito ang unang alpabeto na lumilikha ng tunog gaya “teeth together” at “tongue on the roof of the mouth.” Ang alpabeto ay binubuo ng 24 na titik, na may 14 katinig, at 10 patinig.

Ang nasabing alpabeto ay binubuo rin ng tatlong Hangeul karakter sa pantig, na pinagsasamasama upang makabuo ng panibagong salita.

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>