Naungkat na rin ang umano’y mga kuwestiyunableng yaman ni Vice President Jejomar C. Binay nang ipagpatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub Committee sa overpricing ng Makati City Parking Building.

Ayon kay Blue Ribbon subcommittee Chairman Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, pinal na ang kanyang desisyon na ibasura ang jurisdictional challenge na inihain ni Binay at imbes ay ipagpatuloy ang imbestigasyon pero ito ay dapat sesentro lamang sa kontrobersya ng Makati City Parking Building.

Ipinagtaka ni Pimentel sa testimonya ni Makati City Engineer Roldan Menciano na umabot sa P947,000 ang isang 24-letra ng karatula ng kontrobersiyal na gusali o P40,000 bawat letra.

Igiiniit ni Menciano na wala na ang Price Evaluation Division ng Commission on Audit (COA) kaya hindi na nila nakikita pa ang assesment value.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi rin naawat si dating Makati City Mayor Ernesto Mercado nang ipakita nito ang larawan ng mga umano’y 350- ektaryang lupain ni VP Binay sa Rosario, Batangas.

Aniya, anim na beses ang laki ng Hacienda Binay kumpara sa Luneta [Rizal] Park sa Manila at 10 beses ang laki naman nito sa Araneta Center sa Quezon City.

Ang hacienda sa Batangas ay mayroong mansion, may garden landscape tulad ng palasyo sa Great Britain at mayroon din itong farm para sa mga panabong na manok, at airconditioned piggery at na rancho ng mga imported na pangarerang kabayo.

Mayroon din daw itong swimming pool, imported orchids farm at may garahe na kakasya ang 40 sasakyan bukod, pa ito sa isang mansion sa Tagaytay City.

Pinabulaanan naman ni Cavite Governor Jonvic Remulla, tagapagsalita ni Binay sa usaping pulitikal, na pag-aari ng bise presidente ang malawak na lupain dahil tumayo lamang itong “lessee” sa siyam na ektaryang bahagi nito na pag-aari ng Sunchamp Real Estate Development Corp.

“It was no surprise that the detractors of Vice President Jejomar Binay will attempt to link him to the property ever since we revealed the helicopter sighting a few days ago,” ani Remulla.