Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

4 p.m. – FEU vs RTU (men’s)

6 p.m. – Meralco vs PLDT (women’s)

Hindi nagpatinag sa fourth frame ang Philippine Army bago sinapawan sa hatawan ang Cagayan Valley sa decider set upang makamit ang kanilang ikalawang dikit na panalo sa pamamagitan ng 17-25, 25-17, 17-25, 25-21, 15-13 pag-ungos at mapasakamay ang maagang pamumuno sa ginaganap na Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City noong Martes ng gabi.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nagtala si Dindin Santiago ng game high 25 hits habang nagdagdag naman sina Jovelyn Gonzaga at Mary Jean Balse ng 19 at 16, ayon sa pagkakasunod, upang pangunahan ang Lady Troopers sa nasabing tagumpay.

Bumalikwas ng All-Filipino roster ng Lady Troopers mula sa unang set na kabiguan bago napataob ang Lady Rising Suns sa kanilang duwelo sa ligang ito na itinataguyod ng Shakey’s.

Unang tinalo ng Lady Troopers ang Meralco Power Spikers sa opening sa pamamagitan ng straight sets.

Napuwersang maglaro din ng All-Filipio ang Cagayan Valley matapos na hingan ang kanilang Thai imports na sina Ampron Hyapha at Patcharee Saengmuan ng International Transfer Certificates buhat sa Thailand-based FIVB at magbayad ng $1,000 fee para makapagalaro dito sa bansa.

Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa V-League.

“Nagulat lang kami kasi sa loob ng 11 taon na naglalaro kami dito, first time na may ganitong requirement,” pahayag ni Cagayan coach Netsor Pamilar.

Una rito, nagtala ng came-from behind win ang Systema Tooth and Gum Care, 14-25, 25-18, 19-25, 25-9, 25-9, kontra sa Far Eastern Univeristy (FEU) sa pagpapatuloy naman ng men’s competition ng liga na suportado ng Accel at Mikasa.

Dahil sa panalo, umangat ang Systema sa barahang 1-1 (panalo-talo).

Samantala, magsisikap na makabawi ang Tamaraws sa nalasap na unang kabiguan sa kanilang muling pagsalang ngayong hapon kontra sa Rizal Tehcnological University (RTU) sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Gaya ng FEU, pagbangon din ang hangad naman ng Meralco sa tampok na laro sa ganap na alas-6:00 ng gabi laban sa ngayon pa lamang sasalang na PLDT sa women’s division.