Kabuuang 12 reinforcements ang matiwasay na nakarating na sa bansa kung saan ay gigil na silang patunayan na mas higit sa pagkakaroon nila ng magandang mga mukha ang kanilang paghataw sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Oktubre 18 sa Smart Araneta Coliseum.

Kasama si dating Oregon Alaina Bergsma sa bakbakan, ang batch ng imports sa taon na ito ay inaasahan makapagwawagi sa mga puso ng local spectators kung saan ay gamit nila ang deadly combo ng kanilang beauty at power para sa premiere inter-club volleyball tournament sa bansa na may basbas ng Philippine Volleyball Federation (PVF), Asian Volleyball Confederation (AVC) at ng International Volleyball Federation (FIVB).

Ang 6-foot-3 na si Bergsma ay ang perfect epitome ng ‘grace and strength’ nang pamunuan niya ang United States’ volleyball squad bilang kapitan sa maraming international tournaments habang iprinisinta ang state ng Oregon sa 2012 Miss USA-Universe kung saan ay napasakamay nito ang Miss Photogenic Award.

Makikipagtambalan si Bergsma kay Brazilian setter Erica Adachi, ang isa pang ‘comely belle’ na inaasahang magpapa-alala sa lahat hinggil kay Leila Barros na gamit ang kanyang malakas na sense ng leadership at charm para sa Petron Blaze Spikers.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi ni Ramon Suzara, president and CEO ng organizing Sports Core, na ang batch ng reinforcements sa taon na ito ay ang pinakamagagaling at pinakamagandang volleybelles sa mundo kung saan ay nabigyan silang makapaglaro sa pamamagitan ng International Transfer System, na ekstriktong iniimplementahan ng governing FIVB.

“We want to treat fans to a higher level of competition,” saad ni Suzara, siya ring chairman ng Asian Volleyball Confederation Development Committee at dating coach ng national volleyball team.

“By bringing in these world-class reinforcements from the United States, Brazil, Germany, Russia and Japan, we can increase the level of competition in the country that ensures the transfer of technology and raises the morale of our local players when pitted against other Asian countries.”

Maliban kay Bergsma, inaasahan ding makapagbibigay ng atensiyon si dating Cincinnati hitter Bonita Wise, ang well-known campaigner sa European circuit na ipinanganak sa Pilipinas kung saan ang kanyang ama na si Francois ay nakita sa aksiyon sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang import noong 1980s.

Ang isa napakagandang spiker, si Kaylee Manns, ay muling magbabalik kung saan ay makakasama nito si Kristy Jaeckel, ang 23-year old hitter na nakapaglaro sa NCAA Division I sa kanyang stint sa Florida Gators may ilang taon na ang nakalipas.

Mapapahanay sina German sensations Lindsay Stalzer at Sarah Ammerman sa Cignal habang ang Russian tandem nina Elena Tarasova at Irina Tarasova ang magiging forefront sa isa pang sasabak na koponan.

Isa pang Russian reinforcement na si Natalia Korobkova ang magsusuot ng jersey ng Generika kung saan ay makakasama nito si setter Miyuu Shinohara ng Japan, ang pinakabatang import asa edad na 19 at nag-iisang Asian na mula sa powerhouse country.

“While their experience and skill level were our primary considerations, we were also fortunate to hook up with these beautiful imports,” paliwanag ni Suzara. “True enough, it’s going to be another exciting conference for us.”