Hindi man tuwirang sabihin, sinikap na maiwasan, partikular ng pamunuan ng PBA, ang hindi naging magandang resulta ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa nakaraang 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Kahit si PBA Chairman Patrick Gregorio ay hindi nagbanggit ng anuman hinggil sa Gilas Pilipinas, mali ban sa ipinahiwatig nitong inaasahan nilang mabubura ng magandang opening rites ng 40th PBA Season ang lahat ng masamang nangyari sa Philippine basketball sa mga nakalipas na araw.

"We hope that it can remove all the destruction that happened in Philippine basketball during the past days," ani Gregorio.

Sa kanyang panig, hindi rin sinagot ni PBA Commissioner Chito Salud ang katanungan kung ano ang magiging commitment ng liga sa darating na 2016 FIBA Olympic qualifying tournament.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Kauuwi lang namin e. Let's allow the dust to settle na muna, Let’s take a break,” pahayag ni Salud.

Gayunman, nangako ito na sa lalong madaling panahon ay makikipagdayalogo siya sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at maging sa PBA board para sa kanilang mga magiging plano sa hinaharap pagdating sa national commitment ng liga.

Samantala, kaugnay sa magaganap na opening rites ng liga, tiniyak ni Salud na maikli lamang ito, ngunit magiging maganda aniya ang selebrasyon at tiyak na hindi malilimutan ng basketball fans.

Mayroon din aniya silang inimbitahang isang napaka-espesyal na panauhin na hinihintay lamang ang kumpirmasyon bago nila isiwalat para maging panauhing pandangal sa opening ceremonies.