“Once in a blue moon.”

Ito ang paglalarawan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa magaganap na total lunar eclipse o “blood moon” na inaasahang masasaksihan ngayong araw, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang bahagi ng mundo.

Idinetalye ni Engineer Dario Dela Cruz, hepe ng Space Sciences and Astronomy Section ng PAGASA, ang total lunar eclipse ay ang pagdaan ng buwan sa umbral at penumbral shadow na nagiging dahilan upang matakpan ang liwanag nito na nanggagaling sa reflection naman ng araw.

Sinabi ng PAGASA na magsisimula ang lunar eclipse ngayong hapon at magtatapos naman sa Miyerkules ng umaga.

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

Bukod sa Pilipinas, inaasahan ding masisilayan ang nasabing astronomical event sa bahagi ng Asia, Amerika at Australia.