Darating Sa Pilipinas si Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Lunes, Oktubre 13, kasama ang dalawang matatangkad at world class boxers para maging sparring partners ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa nalalapit na laban nito kontra Amerikanong si Chris Algieri sa Nobyembre 23 sa Macau, China.

Sa panayam ng Philboxing.com, sinabi ng assistant trainer ni Roach sa Wild Card Gym sa California na Pilipino ring si Marvin Somodio na magdidiretso ang trainer sa General Santos City, South Cotabato kasama sina world-ranked na si Voctor Postol ng Ukraine at Stan Martyniouk ng Estonia.

Walang talo si Postol na kasalukuyang No. 1 sa WBC, No. 7 sa WBO at No. 14 sa IBF sa light welterweight division at mandatory contender ng kampeon sa WBC na si Danny Garcia ng United States.

May kartada namang 13-2-0 win-loss-draw na may 2 panalo sa knockouts ang nakabase ngayon sa Antelope, California at nagkakampanya sa lightweight division na si Martyniouk na kabilang sa mga huling tinalo ang matagal na sparring partner ni Pacquiao na si Mexican-American David Rodela.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

May taas na 5’11” si Postol samantalang 5’10” si Martyniouk at angkop ang kanilang mga estilo kay Algieri kaya napili ni Roach na maging sparring partners ni Pacquiao.

“Matatangkad sila, lalo na si Viktor, 5’11” ‘ata yung si Viktor Postol. At saka pareho silang boxer, lalo si Viktor Postol, magaling mag-jab yun,” dagdag ni Somodio.