Aminado kahapon ni Vice Presidential Spokesman for Political Concerns at Cavite Governor Jonvic Remulla, na tagapagsalita rin ni Binay sa usaping pulitika, na may impluwensiya ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee sa resulta ng mga survey.

Aniya ginawa ang survey ng Pulse Asia (PA) habang kainitan ng one-sided na pagdinig ng Senate sub-committee subalit hindi nito nasakop ang nationwide live broadcast noon ni Vice President Jejomar Binay na sagot naman sa mga paratang na katiwalian laban sa kanya.

“We feel that it would have been a different picture had the survey captured this event since the people would have heard the Vice President’s point by point reply,” pahayag ni Remulla.

“We also note that the decline is mainly in the urban areas because of media access, and our figures are basically unchanged in rural areas,” dugtong nito.

Eleksyon

Ilang araw matapos ipatupad election period, gun ban violators, pumalo na sa 85 katao

Batay sa isinagawang survey ng PA noong Setyembre 8 hanggang 15, nakakuha ng 64 porsiyento na trust rating si VP Binay mula sa 79 porsiyento noong Hunyo.

Bumaba rin si Binay ng 66 porsiyentong approval rating sa kanyang performance mula sa dating 81 porsiyento.

Ipinunto pa ni Remulla maliban sa limang nangungunang opiyal ng gobyerno, mas interesado aniya kung bibigyan din ng trust rating ng PA ang iba pang personalidad na posibleng makakatunggali sa nalalapit na 2016 elections para sa mas malinaw na pananaw ng sentimyento ng publiko.

Gayunman, mainit pa ring tinanggap ng kampo ni Binay ang lumabas na resulta ng Pulse Asia survey.

Ikinatuwa pa rin ito ng Vice President dahil nananatiling siya ang most trusted government official sa kabila ng mga walang basehang pag-atake ng kanyang kritiko, patuloy nitong kaklaruhin ang mga isyu direkta sa sambayanang Pilipino at ituloy ang tungkulin na pagsilbihan ang publiko.