BAGUIO CITY - Nalutas na ng pulisya ang pagpatay noong Agosto 6, 2014 sa isang criminology student na nagtrabahong security guard at bouncer sa isang bar, matapos madakip ang suspek na sundalo sa kampo ng Philippine Army sa Lagangilang, Abra.

Kinilala ni Senior Supt. Rolando Miranda, officer in charge ng Baguio City Police Office, ang nadakip na si Private First Class Randy Dalipog Culchi, 29, tubong Tam-an, Banaue, Ifugao at miyembro ng 41st Infantry Brigade na nakabase sa Barangay Talugtog, Lagangilang.

Ayon kay Miranda, hindi nakapalag ang suspek nang arestuhin noong Oktubre 4, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emmanuel Cacho Rasing, ng Branch 31st Judicial Region, Regional Trial Court, Baguio City.

Batay sa mga kuha ng closed circuit television (CCTV) camera, si Culchi ang tatlong beses na bumaril kay Rolando Bustarde Ferrer, 28, malapit sa entrance ng Gold Bar sa may Chunum Street, Baguio City, dakong 8:40 ng gabi noong Agosto 6. - Rizaldy Comanda

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>