Tila wala nang katapusan ang kalbaryo ng mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 matapos maputol uli ang riles nito sa pagitan ng Santolan at Ortigas station (northbound) na nagresulta ng pagkakaantala ng biyahe ng mga tren kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, dakong 5:47 ng madaling araw nasagap ng isang parating na tren ang putol na riles sa pagitan ng nasabing mga estasyon kaya agad nagpatupad ang pamunuan ng MRT ng provisional service o limitadong biyahe mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue station at pabalik.

Hindi naman maiwasan ng mga naperwisyong pasahero na magngitngit sa galit sa panibagong aberya ng MRT dahilan naman ng kanilang late sa trabaho at eskwelahan na napilitang sumakay ng mga bus sa EDSA.

Ayon kay MRT 3 Officer-in-Charge Renato San Jose, 6:41 ng umaga nang tumanggap ng pasahero ang North Avenue station hanggang Ortigas Avenue na senyales naman ng pagbabalik sa normal an operasyon ng mga tren nito.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Umabot ng halos isang oras ang ginawang pagsasaayos sa putol na riles.

Kamakailan nagpahiram ang Light Rail Transit ng extra riles sa MRT upang pansamantalang pamalit sa mga bitako putol na riles nito.