Hiniling ng dalawang mambabatas na Party-list na imbestigayan ng Kongreso ang relokasyon ng mga Badjao sa mga bulubunduking lugar sa lalawigan ng Zamboanga kasunod ng bakbakan ng tropa ng gobyeno at ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.

Sinabi nina Rep. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus (Partylist, Gabriela) na ang libu-libong pamilya ng mga Badjao ay kasaluyang dinadala sa Barangay Tulungatong, Mampang at sa iba pang mga barangay na malayo sa dagat.

Binigyang-diin nila na ang mga Badjao sa Zamboanga City ay naninirahan sa mga bangkang-bahay sa baybayin ng Mariki at Rio Hondo, at nabubuhay sa pangingisda, pagsisid ng perlas, at seaweed farming.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa kanila ang mga pamilya ng Badjao ay pinagbabawal ang bumalik sa kanilang mga tirahan at kabuhayan matapos ideklara ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City na ang ilang lugar ay no-build, no-return zones.

Ang mga barangay ng Sta. Catalina, Sta. Barbara, Rio Hondo at Mariki ay isinama sa listahan ng environmental protection areas sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS).