Michael Phelps

AP – Nakaranas ng matinding dagok ang comeback ni Michael Phelps nang suspendehin ng USA Swimming ang 18-time Olympic champion ng anim na buwan at puwersahing siyang umatras mula sa world championship sa susunod na taon.

Nawalan din si Phelps ng anim na buwang funding mula sa national governing body ng isport bilang resulta ng kanyang ikalawang DUI arrest. Ang 29-anyos na swimmer ay banned mula sa paglahok sa USA Swimming-sanctioned meets hanggang Abril 6, 2015.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Maaari pa ring magsanay si Phelps sa North Baltimore Club, ngunit siya ay nagkuwalipika na para sa world championships sa Russia sa susunod na Agosto, na siyang pinakamalaking international meet bago ang 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Nagbalik mula sa retirement si Phelps nitong taon at itinuon ang pansin sa pagsabak sa ikalima niyang Olympics sa Rio. Ang hindi siya payagang makasabak sa world meet ay maaaring maging malaking balakid sa kanyang ambisyon.

Ang huling pagkakaaresto sa kanya ay nangyari matapos magwagi ni Phleps ng tatlong ginto at dalawang silver sa Pan Pacific Championships sa Australia. Siya ay nagretiro matapos ang 2012 London Olympics, nang siya ay manalo ng rekord na 18 gold medals at 22 medals sa apat na games.

Ang monthly funding stipend ni Phelps na $1,750 ay ititigil sa loob ng anim na buwan na nagkakahalaga ng kabuuang $10,500. Ito ay maliit na halaga lamang kumpara sa milyong kinikita niya mula sa ilang malalaking endorsements, kabilang ang Aqua Sphere, Subway, Under Armour, Omega at Master Spas.

''Michael accepts USA Swimming's sanctions,'' ayon sa statement ng kanyang representatives sa Octagon. ''He has apologized for his actions and, as he shared yesterday, is taking steps to address them.''

Noong nagdaang weekend, inanunsiyo ni Phelps na siya ay papasok sa isang six-week in-patient program, isang linggong makaraang siya ay maaresto at kasuhan ng drunken driving sa kanyang hometown ng Baltimore.

''Swimming is a major part of my life, but right now I need to focus my attention on me as an individual, and do the necessary work to learn from this experience and make better decisions in the future,'' ani Phelps sa sunud-sunod na posts sa kanyang Twitter account.

Ayon kay U.S. Olympic Committee CEO Scott Blackmun, ''We think the sanctions are appropriate and we are glad that Michael is seeking help. We are grateful that nobody was hurt and appreciate the speed at which USA Swimming and Michael took action.''

Sinabi ng USA Swimming na nilabag ni Phelps ang kanilang Code of Conduct, at ibinase sa isang seksiyon ng kanilang 2014 Rule Book ang parusang ipinataw kay Phelps. Inaprubahan ng kanilang executive committee ang mga sanction na agad ipinatupad.

''Michael's conduct was serious and required significant consequences,'' ani Chuck Wielgus, ang USA Swimming executive director. ''We endorse and are here to fully support his personal development actions.''

Habang inaayos pa ni Phelps ang kanyang iskedyul para sa darating na taon, hindi siya makalalahok sa unang tatlong U.S. Grand Prix meets sa Minneapolis sa Nobyembre; Austin, Texas sa Enero at; Orlando, Florida sa Pebrero.

Ang pinakamaagang puwede siyang magbalik sa Grand Prix competition ay ang meet sa Mesa, Arizona na mag-uumpisa sa Abril 15.

Si Phelps ay kinasuhan noong Setyembre 30 dahil sa driving under the influence, excessive speed at crossoing double lane lines sa Interstate 95. Siya ay nagrehistro ng .14 percent sa kanyang blood-alcohol test nang siya ay parahin dahil sa isang speeding violation; ang ligal na limit sa Maryland ay .08 percent.

Nakaiskedyul ang kanyang trial sa Nobyembre 19.

Sakaling ma-convict, si Phelps ay maaaring makulong ng isang taon, patawan ng $1,000 multa at ang pagkakasuspinde ng kanyang driver’s license ng anim na buwan.