Hindi bababa sa P80 bilyon ang maglalahong kita kung mabibigo ang gobyerno na solusyunan ang kakulangan sa kuryente sa Luzon sa 2015.

Ito ang naging babala ni Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian sa gitna ng kabiguan ng Malacañang at Kongreso na magkasundo kung ano ang nararapat na hakbang upang maiwasan ang pinangangambahang krisis sa kuryente.

“According to our rough estimates, the country will lose P81.6 billion in potential income from production in Luzon next year if the government, especially Congress, does not come up with an immediate solution to avert the crisis,” pahayag ni Gatchalian, senior vice chairman ng House Committee on Metro Manila Development.

Sinabi ng dating alkalde ng Valenzuela City na ang tinatayang ikalulugi sa Luzon ay katumbas ng 1.2 porsiyento ng P6.76 trillion real Gross Domestic Product noong 2013.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Iginiit pa ng mambabatas na gahol na sa panahon ang Kongreso upang talakayin ang isyu dahil mula Oktubre 20 hanggang 30, tuwing Lunes hanggang Miyerkules, lang may plenary session.

Magbabakasyon ang dalawang kapulungan sa Araw ng mga Patay at Araw ng mga Kalukuha.

“The Legislative branch must prioritize the resolution of the power crisis, either by granting the President emergency powers for the lease or purchase of power generators, or by tapping private establishments through the Interruptible Load Program (ILP),” paliwanag ni Gatchalian.

Kapag inaprubahan ng Kongreso ang kahilingan ng Ehekutibo na mabigyan ng emergency powers kaugnay sa Electric Power Reform Industry Act (EPIRA), kailangang magpasa agad ng resolusyon ang dalawang kapulungan dahil inaabot ng tatlong buwan ang pagbili o pagpasok sa lease contract sa mga power supplier. - Ben Rosario