Mga laro ngayon (Fil-Oil Flying V Arena):

12 p.m. -- Letran vs. St. Benilde (jrs/srs)

4 p.m. -- Arellano vs. Lyceum (srs/jrs)

Pormal na makamit ang top seeding papasok ng Final Four ang target ng Arellano University habang sisikapin naman ng College of St. Benilde na patuloy na buhayin ang kanilang tsansa na makahabol sa susunod na round sa dalawang magkahiwalay na laban ngayong hapon sa Pagtatapos ng NCAA Season 90 basketball tournament eliminations.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Makakatapat ng Chiefs sa tampok na seniors game ganap na ika-4 ng hapon ang Lyceum of the Philippines University Pirates matapos ang salpukan para sa unang seniors game ng Letran College Knights at St. Benilde Blazers.

Hawak ang barahang 13-4, panalo-talo, kailangan ng Chiefs na duplikahin ang naunang 93-80 na panalo nila sa Pirates noong unang round upang matiyak ang top spot na may kaakibat na twice-to-beat edage papasok ng Final Four round.

Sakaling magbago ang takbo ng Pirates na halatang nawalan na ng gana na naging sanhi nng kabiguan sa kanilang huling dalawang laban , magtatagbla pa sa No. 1 spot ang Chiefs at ang defending champion na San Beda College Red Lions na nasa ikalawang posisyon taglay ang barahang 13-5.

At kung mangyayari ito, magtutuos pa sila para alamin kung sino ang No.1 at No.2 papasok ng semifinals.

Para naman sa Blazers, nasa “must win situation” sila para makapuwersa ng 3-way tie sa ikatlong puwesto na kinalalagyan ngayon ng Jose Rizal University at University of Perpetual Help na may hawak na barahang 12-6, panalo-talo.

Kapag naipanalo nila ang laban sa Knights, tatabla ang Blazers sa Heavy Bombers at Altas at makakapuwersa ng playoff para sa No. 3 spot.

Kung magtatabla ang tatlong koponan, maglalaban ang Altas at Blazers at ang matatalo ang siyang bababa sa fifth place habang ang mananalo ay haharapin ang Heavy Bombers para alamin kung sino ang papasok na third seed.

“We look forward on that game on Wednesday. It’s going to be another team that will give us a hard time. Another game that the pressure is on us because Letran has nothing to lose. I just hope that we can correct our mistakes today at sana ma correct lahat sa Wednmsday,” pahayag ni Blazers coach Gabby Velasco matapos ang huling panalo laban sa San Sebastian College noong Lunes.