Inasinta ni Roger Pogoy, kanan, ng Far Eastern University ang basket habang nakabantay si Joel Betayne ng National University sa kapirasong aksiyon na ito sa Game 1 ng kanilang best-of-three finals series sa UAAP men’s basketball tournament noong Sabado, Oktubre 4, sa Smart-Araneta Coliseum. Nanaig ang Tamaraws sa laro, 75-70, upang kunin ang 1-0 abante. (Bob Dungo Jr.)

Laro ngayon (Smart-Araneta Coliseum):

4 p.m. -- National University vs. Far Eastern University

Ganap nang walisin ang kanilang finals series at maiuwi na ang pinakaasam na kampeonato ang tatangkain ng Far Eastern University sa muli nilang pagtutuos ng National University sa Game Two ng best-of-three series ngayong hapon sa Smart-Araneta Coliseum sa Quezon City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Magtatagpong muli ang landas ng Tamaraws at ng Bulldogs ganap na ika-4 ngayong hapon at hangad ng una na tapusin na ang kanilang duwelo at pormal nang makopo ang titulo.

Tinalo ng Tamaraws ang Bulldogs, 75-70, sa Game One ng kanilang serye noong nakaraang Sabado upang makalapit sa kanilang pinakamimithing titulo, ang kanilang 20th overall na magpapatibay sa kanilang estado bilang winningest team ng liga.

Ibinalik ng Tamaraws ang kanilang ipinagmamalaking lakas upang maigupo ang Bulldogs sa finals opener, ang pag-arangkada sa kanilang opensa na pansamantala nilang iniwan nang magtuos sila ng dating kamp[eonmg La Salle sa semifinals.

Ngunit ayon kay Racela, hindi pa rin nila dapat kalimutan ang kanilang pagdipensa sa 1-2 punch ng Bulldogs na sina Alfred Aroga at Gelo Alolino na siya ring nagpahabol sa nakaraang Game One at nakapagbanta pang agawin sa kanila ang tagumpay sa payoff period.

At bukod sa dalawa, hindi rin binabalewala ni Racela ang ilan sa mga role players ng kalaban na gaya nina Glenn Khobuntin at Troy Rosario na kayang mag-step-up at mag-deliver kung kinakailangan para sa NU.

Ayaw din ng FEU mentor na mapaaga ang kanilang pagdiriwang na posibleng maging daan para magkaroon sila ng sobrang kumpiyansa na maging dahilan pa ng kanilang kabiguan.

“Gaya ng dati ko ng sinasabi, wala pa kaming naa-achieve, we’re not yet finish. We still need one win to get that championship.We still have no reason to celebrate,” ayon pa kay Racela na inaasahang muling sasandig kina Mike Tolomia, Mac Belo, Achie Inigo, Roger Pogoy, Carl Cruz at Raymar Jose para pamunuan ang pagtapos ng Tamaraws sa kanilang misyon.

Sa panig naman ng Bulldogs, umaasa naman silang patuyloy na buhayin ang kanilang pag-asa na makamit ang inaasam na kampeonato na huli nilang natikman nakalipas na ang mahigit apat an dekada.

At upang maisakatuparan ang kanilang ambisyon, ayoin kay NU coach Eric Altamirano ay kailangtang isa-isantabi nila ang kanilang emosyon na masyadong nangingibabaw sa kanila noong Game One.

“I told the boys they were too emotional [in Game 1]. Emotions got in the way. We’re excited for the school, excited for the players. But we have to set that all aside and focus on the task.”