PINAKAMALALAKING bituin ng bansa na pangungunahan nina Judy Ann Santos, Yeng Constantino, Mitoy Yonting, at Arnel Pineda ang pagsasama-samahin ng Puregold Priceclub Inc. sa unang KAINdustriya national convention na gaganapin sa World Trade Center, Pasay City sa Oktubre 14 at 15.

Layunin ng KAINdustriya na tipunin ang mga nagnenegosyo sa food industry simula sa mga hotel, restaurant, at café hanggang sa mga canteen, catering, food stalls, at mga karinderya. Nasa ilalim ng Tindahan ni Aling Puring (TNAP) program ng Puregold ang KAINdustriya. Labing-isang taon nang nagbibigay ng suporta ang TNAP sa sari-sari store owners at dalawang taon na ang nakararaan, sa prepared food sellers din.

Itinatag ng Puregold ang KAINdustriya noong 2012 dahil malaking porsiyento ng mga miyembro ng TNAP ay mula sa food resellers. Ibig ipahatid ng Puregold na ang TNAP ay hindi lamang tumutulong sa mga sari-sari store owners kundi ganoon din sa mga negosyante sa food industry.

Imbitado ang lahat ng food resellers sa unang KAINdustriya grand convention para makibahagi sa kapana-panabik na activites gaya ng Ka-Asenso Cook Off Challenge at kakaibang Points-Reward-Program na maaaring bumili ang mga miyembro ng participating items na magbibigay sa kanila ng puntos upang magkakuha ng mga pabolosong KAINdustriya items gaya ng mga apron at iba’t ibang cooking equipment. Maghahandog din ang KAINdustriya ng mga murang sangkap, cooking equipment, at appliances.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Mapapanood din ang mga dadalo sa convention ang maiinit na production numbers ng mga makikisayang artista na makasalamuha rin nila in person.

Food and music festival ang kulminasyon ng KAINdustriya convention. Aawitin nang live nina Yeng, Mitoy, at Arnel ang kanilang greatest hits at pati na rin ang ilang hottest chart-toppers, party anthems, at homegrown favorites na kinagigiliwan ngayon.

Siyempre, may fiesta handaan din ng mga pangunahin at paboritong Pinoy karinderya dishes gaya ng pork adobo, sinigang na baboy, kaldereta, bicol express, menudo, bistek Tagalog, tinolang manok, paksiw na bangus, dinuguan, afritada, pinakbet, giniling/picadillo, mechado, at sarsiadong isda.

Inaasahan na lalo pang lalaki ang KAINdustriya segment ng TNAP pagkatapos ng convention na ito lalo na’t patuloy na dumarami ang Pinoy foodies na mas eksperimental at adventurous na ngayon pagdating sa kanilang dining experiences.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa KAINdustriya bisitahin ang opisyal na webist ng Puregold sa www.puregold.com.ph, i-like ang opisyal na pahina ng Puregold sa Facebook, at sundan ang Puregold sa Instagram (@puregold_ph) at sa Twitter (@puregold_ph)