Ipinagdiriwang ngayon ng Croatia ang kanilang Araw ng Kalayaan, na gumugunita sa paglaya nito mula sa Yugoslavia. Gayong idineklara ang kalayaan noong Hunyo 25, 1990, noong Oktbure 8, 1990 nakumpleto ang pagpugto ng kaugnayan nito sa Yugoslavia.

Isang bansang southern Central European sa sangangdaan ng Pannonian Plain at Mediterranean Sea, ang Croatia ay nasa hangganan sa hilaga ng Slovenia at Hungary, sa hilaga-silangan ng Serbia, sa sialngan ng Bosnia at Herzegovina, at sa timog-silangan ng Montenegro. Ang kapital at pinakamalaking lungsod nito ay ang Zagreb. Ang southern at western flanks border ay ang Adriatic Sea, at nakaharap ito sa Italy na katapat ang Gulf of Trieste.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang service sector ang malaking bahagi ng economic output ng Croatia, na sumasaklaw ng mahigit 74% ng Gross Domestic Product (GDP). Sinundan ito ng industrial at agricultural sectors na sumasaklaw ng 20.5% at 5.9% ng GDP, ayon sa pagkakasunod. Malaking tagaambag ang turismo sa Croatian GDP na bahagi ng service sector. Kabilang sa industrial sector ang shipbuilding, pharmaceuticals, biochemical, timber industry, at information technology.

Ang Croatia ay miyembro ng iba’t ibang regional at international organization tulad ng United Nations, ng Council of Europe, ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), ng World Trade Organization, at ng Central European Free Trade Agreement (CEFTA). Ika-28 ang bansa sa pinakabagong member-state ng European Union na umanib noong Hulyo 1, 2013.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Croatia sa pangunguna nina Pangulong Ivo Josipovic at Prime Minister Zoran Milanovic, sa okasyon ng kanilang Araw ng Kalayaan.