Naraaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya ang apo ng namayapang “Comedy King” na si Dolphy, at live-in partner nito sa Lumban, Laguna kahapon.

Kinilala ng Lumban Police Station ang suspek na si Rocco Quizon III, 32, at anak ni Dolphy Quizon Jr.

Kasama ring nadakip ang live-in partner nitong si Raquel Alcantara.

Sa buy-bust operation, naka-transaksyon ng mga tauhan ng pulisya kung saan nagkakahalaga ng P6,000 ng shabu ang nabili sa suspek.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang iba’t ibang drug paraphernalia.

6-anyos na estudyante, patay matapos sampalin ng guro dahil sa assignment!

Matagal ng sinusubaybayan ang Rocco ng pulisya dahil sa ilegal na pagbebenta nito ng droga.