SEOUL, South Korea (AP)— Nagpalitang warning shots ang mga warship ng magkaribal na Korea noong Martes matapos sandaling labagin ng isang barkong North Korean ang hangganan sa karagatan sa kanluran, sinabi ng isang South Korean defense official.

Ang mga putok ay ibinaril sa dagat at walang iniulat na nasugatan o napinsala sa mga barko, sinabi ng tumangging magpabanggit na opisyal.

Madalas na labagin ng mga navy ship at bangkang pangisda ng North Korea ang hangganan na iginuhit ng American-led UN command sa pagtatapos ng Korean War noong unang bahagi ng 1950s, nang walang konsultasyon sa North. Hinarang ng linya ang North Korea sa bahagi ng karagatang mayaman sa isda.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon