Tiyak na muling mabibigyan ng pagkakataon sa world title bout si two-time challenger Jether Oliva matapos talunin sa 10-round unanimous decision si dating Indonesian super flyweight titlist Jemmy Gobel para matamo ang bakanteng WBF Asia Pacific flyweight belt kamakalawa ng gabi sa Glan, Sarangani Province.

Nabigo si Oliva na masungkit ang IBF light flyweight title nang matalo sa puntos sa dating kampeon na si Ulises Solis sa sagupaang ginanap sa Jalisco, Mexico at natalo rin sa kontrobersiyal na 12-round split decision para sa bakanteng IBO flyweight title laban kay ex-IBF 112 pounds titlist Moruti Mthalane sa labang isinagawa sa KwaZulu Natal, South Africa.

Nakatala pa rin si Oliva bilang No. 11 contender kay WBA light flyweight champion Alberto Roussel ng Peru subalit inaasahang muli siyang mapapansin ng WBC, IBF at WBO para ipasok sa world flyweight rankings ng mga ito.

Sa Taal, Batangas naman, noong Oktubre 4, napanatili ni WBO Oriental super flyweight champion Warlito Parrenas ang kanyang korona sa 12- round unanimous decision victory laban kay Indonesian flyweight titlist Espinos Sabu na may lahi ring Pinoy.

National

Rep. Castro sa plano ni VP Sara na tumakbo bilang pangulo: 'Well, sana hindi siya manalo!'

“All three judges scored the fight for Parrenas with Lagumbay and Elmer Lopez having the lanky 31-year old Parrenas who fights out of Japan where he also uses the ring name Wars Katsumata a comfortable winner 119- 110 while the third judge Dan Nietes had Parrenas ahead 118-110,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “With the win Parrenas improves to 20-6 with 17 knockouts while Sabu suffered only the second defeat of his career to wind up with a record of 11-2-1 with 5 knockouts.”

Sa La Trinidad, Benguet naman, tinalo ng Pilipinong si Argie Toquero si Japanese Takaya Kakutani para matamo ang bakanteng WBC Youth super featherweight title kaya inaasahang papasok siya sa top 50 world rankings ng naturang samahan sa unang pagkakataon.