Bea Alonzo

MARAMING tagasubaybay ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang nalulungkot na magtatapos na ito sa Biyernes, October 10.

Pero excited din naman sila sa balita ng Dreamscape Entertainment na mala-pelikula ang pagtatapos na mapapanood nila kina Bea Alonso, Paolo Avelino, Albert Martinez, Maricar Reyes at iba pa.

Marami ang sunud-sunod na malalaking pasabog at rebelasyon na mapapanood sa top-rating teleserye ng ABS-CBN simula nang umere last June ay hindi binibitiwan ng mga manonood. Napakaganda kasi ng pagkakaugnay ng mga kuwentong ng buhay nina Rose at Emmanuelle na buong husay na ginagampanan ni Bea. Magkaibang babae mula sa magkaibang antas ng buhay sa lipunan ang pinag-isa ng kanilang laban para sa katarungan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Of course, mahusay ang buong cast, at nakakakilig ang chemistry nina Bea at Paulo.

Sa thanksgiving presscon ng SBPAK,ipinahayag ni Paolo na ngayong matatapos na ang teleserye niya ay tututukan naman niya at tatapusin ang ilang natitirang eksena sa indie movie na ginagawa niya.

“May kailangan akong tapusin na pelikula, Mara ang working title. It's by Regal and Reality, kasama ko si Isabelle Daza and si Jasmine Curtis-Smith," banggit ni Paolo nang tanungin namin kung ano ang susunod niyang project.

Samantala, pelikula rin ang susunod na pagkakaabalahan ni Bea kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

"May gagawin akong pelikula kasama si Mr. Goma at si Ms. Dawn. Pero baka pa-end (of the year) na kami mag-roll kasi kailangan pang mag-train or something," sabi ng dalaga.

Pagkatapos ng taping nila ng SBPAK ay magbabakasyon muna si Bea kasama ang mga kaibigan niya minus Zanjoe sa Thailand.

"Meron akong shoot sa Halloween, sa ibang bansa. So itutuloy na namin ang bakasyon grande," masayang banggit pa ni Bea.