FREETOWN (Reuters)— Nakapagtala ang Sierra Leone ng 121 namatay sa Ebola at ilang dosenang bagong impeksiyon sa loob lamang ng isang araw, ang pinakamataas na naitala sa sakit simula nang ito ay lumutang sa West Africa mahigit apat na buwan na ang nakalipas, ipinakita ng health statistics ng gobyerno noong Linggo.
Ang bilang, sumasakop sa panahon hanggang nitong Sabado, ay inilagay ang kabuuang bilang ng mga namatay sa 678, tumaas mula sa 557 sa nakalipas na araw. Nakita rin sa daily statistics na tinipon ng Emergency Operations Centre ng Sierra Leone ang 81 bagong kaso ng hemorrhagic fever.