Patuloy na naiipit ang mga atleta sa kaguluhang nagaganap sa liderato ng Wrestling Association of the Philippines (WAP).
Ito ay matapos na ireklamo ng mga atleta na kabilang sa national wrestling training pool kay WAP secretary general Karlo Sevilla, kinikilala ng International Wrestling Federation, na mamili ang mga alteta alinman sa pag-aaral o pagsasanay.
“Keep our wrestlers in school,” ayon sa text message ni Sevilla sa Balita. “The PSC (Philippine Sports Commission) should look into reports that members of the Philippine National Wrestling Team were made to choose between their wrestling training and their formal schooling, by the current set of wrestling officers.”
Ang WAP ay kasalukuyang pinamumunuan ni Alvin Aguilar bilang presidente at dating national wrestler na siya ngayon tumatayong secretary general na si Marcus Valda matapos na magsagawa ng biglaang eleksiyon at kilalanin naman ng Philippine Olympic Committee (POC).
“Our athletes have dropped out from schooling due to the “persuasion” of the POC-recognized officers. The PSC has an agreement with the STI Colleges, which offer athletic scholarships for our athletes for their more stable future upon acquiring a college degree,” ayon pa kay Sevilla, na siyang nilapitan ng mga atleta.
Si Sevilla, kasama ang mga dating namumuno sa WAP na kinikilala ng internasyobal na pederasyon na United World Wrestling, ay naisantabi matapos magsagawa ng eleksiyon ang grupo ni Aguilar.
Ipinagmalaki ng grupo ni Sevilla na patuloy na kinikilala ang liderato sa rehiyon ng FILA na naging daan sa olympic sport na wrestling upang maging parte sa Palarong Pambansa, Batang Pinoy ng Philippine Sports, Philippine National Games, at Women Martial Arts Festival at maging ang INC Unity Games at Ultimate Challenge multi-combat sport and fitness event.