Puspusan ang pagsasanay ni Puerto Rican IBO super featherweight champion Jose “Sniper” Pedraza upang paghandaan ang nakatakdang laban nito sa Nobyembre 14 kay IBF No. 2 contender Michael Farenas ng Pilipinas sa Hato Rey, Puerto Rico para sa pagkakataong makaharap ang kampeong si Cuban Rances Barthelemy sa Abril 2015.

Ayon sa manedyer at trainer ni Pedraza na si Luis Espada, bagamat walang talo ang alaga niya sa kartang 18 panalo, ang 12 ay sa pamamagitan ng knockouts, ay kinatatakutan si Farenas na isa ring knockout artist at beterano sa laban na may magandang rekord na 39-4-4 (win-loss-draw) na may 31 pagwawagi sa knockouts.

Batid ni Espada na iniwasan maging ni Barthlemy si Farenas kaya sa halip magdepensa sa Pilipino noong Linggo ay pinili ang No. 3 contender na si Argentinian Fernando David Saucedo na magaan niyang tinalo sa puntos.

“He is an opponent who is one of the world’s best. He is ranked second. He is strong with very good experience and is left-handed,” sinabi ni Espada tungkol kay Farenas sa BoxingScene.Com.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“He works fine with his straight left. And we’ve been working with that detail, trying to neutralize that hand which is what can make us work a little harder,” dagdag ni Espada.

“But we understand that Pedraza’s boxing ability and his speed [provides advantages]. And we hope in God that everything goes well.”