Lalong magdudulot ng kalituhan ang mungkahing baguhin ang oras ng pagpasok sa klase, na planong simula ng 8:00 ng umaga.

Sa panayam ng mamamahayag sa sideline ng World Teachers’ Day sa Victorias City, Negros Occidental, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin A. Luistro, na mas malaking problema ang idudulot ng panukala.

“Mas inconvenient sa mga bata dahil maglalakad sa (ilalim ng) init ng araw,” ani Luistro.

Aniya, dapat na konsultahin muna ang mga magulang hinggil sa panukala.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“Sa ganang akin, kung tatanungin ang mga magulang, tiyak tututol sila,”pahayag ni Luistro.

Naiulat na isinulong ang panukala para maiwasan ang mabigat na trapiko tuwing rush hour.

Samantala, hindi sang-ayon si Luistro sa pananaw ng United Nations Organization for Education, Science and Culture (UNESCO) na mababa ang kalidad o kuwaplikasyon ng mga guro sa Pilipinas.

“Kumpara sa ibang bansa, mas mataas ang qualification benchmark natin,” anang kalihim.

Aniya, bukod sa pasado sa Licensure Examination for Teachers (LET), tangan ang masteral o doctorate degree ang mga nagtuturo sa Science, Technology, English at Math.