Ni Ben Rosario

“Magbitiw ka na bilang mambabatas!”

Ito ang naging payo ni Isabela Rep. Rodito Albano at iba pang kongresista kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao na nangunguna sa Top Absentees sa Kamara.

Si Pacquiao ay nakabilang kamakailan bilang professional player, bukod sa pagiging head coach, sa Teama KIA Philippines sa Philippine Basketball Association (PBA).

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Bukod sa maraming showbiz commitment, naghahanda rin si Pacman sa mga professional boxing match nito, kabilang ang kanyang laban sa Amerikanong si Christ Algieri sa Macau sa Nobyembre.

Matunog din ang pangalan ni Pacquiao na kabilang sa mga isasabak sa senatorial race sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance (UNA), na pinangungunahan ni Vice President Jejomar C. Binay.

Bunsod nito, ikinaiirita na ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang madalas na pagliban ni Pacquiao sa mahahalagang sesyon sa Kamara.

Bigo naman si Albano na tukuyin kung anong trabaho ang dapat iwan ni Pacquiao dahil nais din ng mga kabaro nito sa Kongreso na tumutok ito sa boxing.

Ayon kina Quezon City Reps. Winston Castelo at Alfred Vargas, na kapwa nagtala ng complete attendance sa Kamara, dapat pumili na si Pacquiao kung anong career path ang nais niyang panatiliin upang mapagsilbihan niya nang maayos ang mga Pinoy.

“Rep. Pacquiao has shown he has a heart for the poor. But he cannot excel on all fields at the same time,” babala ni Castelo. “Some things will suffer.”