WASHINGTON (AP) — Nagtaas ng panibagong pagkabahala ng mundo ang isang nurse sa Spain noong Lunes na naging unang indibidwal na nahawaan ng Ebola sa labas ng outbreak zone sa West Africa. Sa US, sinabi ni President Barack Obama na pinag-iisipan ng gobyerno na iutos ang mas maingat na pagsasala sa mga pasahero ng eroplano na dumarating mula sa rehiyon.

Ang nagkasakit na nurse ay naging bahagi ng isang team na nagbigay lunas sa dalawang misyonaryong inilipad pauwi ng Spain matapos mahawaan ng Ebola sa West Africa. Ang tanging sintomas ng nurse ay lagnat, ngunit nakumpirma ang impeksiyon sa dalawang test, ayon sa Spanish health officials. Ginagamot siya ngayon sa isang isolation, habang tinutukoy ng mga awtoridad mga nakasalamuha niya.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental