LEBRON James

CLEVELAND (AP)– Ilang dosenang anti-Israel protesters, marami sa kanila ang nagwawagayway ng Palestine flags, ang nagtipon sa labas ng Quicken Loans Arena bago ang laro ng Cavaliers kontra sa Maccabi Tel Aviv.

Hawak ang mga karatula na may nakalagay na “Hold Israel Accountable” at “Boycott Israel,” payapang umawit sa likuran ng mga barikadang inilagay sa kalsada ang mga nagpoprotesta. Masusi silang binantayan ng Cleveland police habang isa-isang pumapasok ang fans sa loob ng arena kahapon para sa unang exhibition game ng Cleveland.

Ang first-year Cavs coach na si David Blatt ay nagsilbi ng anim na seasons sa Maccabi Tel Aviv, na nakopo ang Euroleague championship noong nakaraang taon.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Bago ang laro, sinabi ni superstar LeBron James na excited siya para sa kanyang matchup sa Maccabi. Natawa naman ito nang tanungin tungkol sa kanyang impresyon kay Blatt at sinabi sa Israeli reporters na, “you guys know the coach better than I do. I’ve only known him for a couple of weeks.’’

Maglalaro naman ngayong araw ang Maccabi sa Brooklyn.