Ann Daquis vs Abigail Marano

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

4 p.m. Systema vs. FEU

6 p.m. Cagayan vs. Army

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Muling ipinakita ng Philippine Army (PA) ang kanilang lakas at talento matapos walisin ang nakatunggaling Meralco, 25-19, 25-18, 25-18, sa tampok na laro noong Linggo ng gabi sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Naglaro ng All-Filipino sa roster, hindi pinaporma ng Lady Troopers ang nakatapat na Power Spikers sa pangunguna ng bagong recruit na si DinDin Santiago.

Nagtala si Santiago ng 10 puntos para sa kanyang unang laro bilang pinakabagong miyembro ng Lady Troopers, kasama ng dating kakampi sa National University (NU) na si Carmina Aganon.

Ito’y sa kabila ng nakadalawang ensayo pa lamang sila kasama ng koponan buhat nang i-recruit sila ng mga ito at maglaro sa third conference ng liga na itinataguyod ng Shakey’s.

“Dalawang beses pa lang nagpapractice sa amin ang mga iyan eh,” pahayag ni Army coach Rico de Guzman.

Dahil sa pagkakadagdag ng dalawa sa line-up ng Army, mas lalo pang tumibay ang sandata ng mga ito sa giyera.

Sa katunayan, pinaulanan ng Army ng 46 spikes ang Meralco na nakapagtala lamang ng 25.

“Nakita ninyo naman kanina. Binabantayan si DinDin. Marami kaming options,” ayon pa kay De Guzman. “Pwedeng ibigay kay Balse, kay Jovelyn. So sa training puro na lang kami depensa.”

Samantala, pupuntiryahin ng Army ang kanilang ikalawang panalo sa muli nilang pagsalang ngayon sa ganap na alas-6:00 ng gabi para sa tampok na laro sa pagpapatuloy ng torneo kontra sa Cagayan Valley.

Una rito, magtutuos naman sa unang laban sa men’s division ang UAAP team na Far Eastern University (FEU) at ang Systema na magtatangkang makabawi sa nauna nilang 5-setter na kabiguan sa kamay ng Instituto Estetico Manila sa opening day.